Malugod na tinanggap ng Department of Transportation (DOTr) ang bagong itinalagang Land Transportation Office (LTO) chief, kasunod ng pag-apruba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Pinangunahan ni Transportation Secretary Jaime J. Bautista ang oath-taking ng bagong LTO chief, Assistant Secretary Vigor D. Mendoza II, ngayong araw.
Ipinangako ni Secretary Bautista ang kanyang buong suporta kay Asec. Mendoza at pinaalalahanan siyang magtrabaho nang may katapatan, at integridad.
Aniya, dapat na maging patas din sa mga empleyado ng transportasyon dahil sila ang kanilang pinakaimportanteng asset ng ahensya.
Pinuri rin niya ang mga nagawa ng LTO sa ilalim ng maikling panahon ni LTO-OIC Asec. Hector Villacorta.
Ang bagong LTO chief na si Asec. Mendoza ay nangako na ipagpatuloy ang pagsusumikap sa paglutas ng lahat ng isyu sa LTO sa lalong madaling panahon.