-- Advertisements --

Pinag-iingat ngayon ang publiko laban sa bagong short message service (SMS) scam na kayang lusutan ang automatic blocking tools sa pamamagitan ng paggamit ng unclickable links.

Sa isang statement, sinabi ng chief information security officer ng isang telco company na patuloy na naghahanap ng bagong paraan ang mga scammer para maipagpatuloy ang kanilang phishing activities.

Sa ngayon ay gumagamit na aniya ang mga scammer ng unclickable links sa layunin pa rin na malinlang ang users para buksan ang malicious domains.

Sa bagong SMS scams, pinalitan ang dots sa link ng ibang character para itago ang hyperlinks saka hihilingin sa potensiyal na biktima na kopiyahin ng manu-mano ang address at i-paste sa browser at palitan ng partikular na characters na may dots para ma-activate ang link.

Ang isang paraan pa aniya ay ang pagpapadala ng tulad ng IP addresses subalit numeric clickable links.

Kaugnay nito, nagbigay ng “SCAM” tips ang telco para maiwasang mabiktima. Una ay ‘S’ o ‘suspicious’, iwasang sagutin ang mga tawag o SMS message mula sa unknown callers lalo na kung ito ay humihingi ng one-time passwords.

Ikalawa ‘C’ para sa ‘clickbait’ o scam texts na nagaalok ng too-good-to-be-true offers o premyo na naghihikayat sa kanilang i-follow ang link.

Ikatlo, A’ para sa ‘alarming’ o scams na nagpapadala ng mensahe kaugnay sa account suspension o nawalan ng access para mag-reply sa mensahe o i-follow ang links.

Ikaapat, ‘M’ para sa ‘malicious’ o anumang SMS at iba pang uri ng mensahe na may kasamang link.