BAGUIO CITY – Bubuo ng bagong sistema ang lokal a gobyerno ng Baguio City sa boarder checkpoint ng Marcos Highway na papasok sa lungsod bilang paghahanda sa muling pagbukas ng turismo sa mga kalapit lugar partikular ang Ilocos Region.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Police Major Raymar Remegio, Station Commander ng Baguio City Police Office (BCPO) Station 10, sinabi niya na magpapatayo ang lungsod ng isang queeing area para sa mga turista na hindi pa nakapagrehistro online.
Matatagpuan ito sa boarder ng Marcos Highway at Tuba, Benguet.
Aniya, mahihiwalay sa mga locally stranded individuals (LSIs) at returning residents ang mga turista upang maiwasan ang pagkumpol-kumpol sa iisang lugar at upang makontrol ang masikip na daloy ng trapiko sa naturang lugar.
Dahil dito, dadaan ang mga LSIs at returning residents sa naipatayong pasilidad sa mismong harapan ng police station sa Marcos Highway.
Ayon pa sa mga otoridad, mahahati sa apat na lane ang Marcos Highway para mga LSIs at returning Baguio residents RBRs, isang lane para sa mga truck at cargo vehicles, isang linya para rin sa mga essential travels at ang isa ay para sa mga turista at motorista mula sa ibang ibang lugar.
Siniguro rin ng PNP na sapat ang kanilang pwersa na magbantay at magpatrolya sa Marcos Highway matapos nagdeploy ang Regional Training Center ng mga bagong personel na tutulong sa operasyon.