Inanunsiyo na ng National Hockey League (NHL) ang petsa ng kanilang bagong season.

Nagkasundo ang NHL at NHL Player’s Association na isagawa sa 56-game regular season.

Magsisimula ang nasabing laro mula Enero 13 at magtatapos hanggang Mayo 8.

Nauna ng kinansela ang ang nasabing laro mula Marso hanggang Agosto dahil sa COVID-19.

Huling laro ng liga ay noong Game 6 ng Stanley Cup Final noong Setyembre 29 kung aan nagwagi ang Tampa Bay Lightning sa score na 2-0.