AYALA MAKATI CBD
-- Advertisements --

Maapektuhan ang economic recovery ng bansa nang ipinatupad na paghihigpit sa quarantine restrictions sa loob ng dalawang linggo, ayon sa opisyal ng Federation of Filipino-Chinese Chambers of Commerce and Industry Inc. (FFCCCII).

Sa isang forum, sinabi ni FFCCCII president Henry Lim Bon Liong na nahuhuli na ang Pilipinas sa mga kalapit na bansa nito pagdating sa ekonomiya, kasunod ng mahigit isang taon na lockdown na ipinatupad ng pamahalaan.

Sa kanyang tantiya, nasa isa pang quarter ang set back bunsod nang paghihigpit sa mobility kagaya nang pagsara ng mga sinehan at pagbabawal sa dine-ine sa mga restaurants.

Kahapon, dahil sa spike sa naitatalang bagong COVID-19 cases sa kada araw ay nagpatupad ng bagong travel restrictions papasok at palabas ng bubble ng Metro Manila, Laguna, Cavite, Rizal at Bulacan, kung saan ipinagbabawal na ang non-essential travel sa loob ng dalawang linggo.

Nauna nang sinabi ng National Economic and Development Authority (NEDA) noong Enero na aabot na sa P1.4 trillion ang nawala sa kita ng mga Pilipino noong 2020 dahil sa lockdown restrictions. 

-- Advertisement --

Nagkakahalaga ito ng P2.8 billion sa arawang spending power ng publiko.