-- Advertisements --

Nag-assume na bilang bagong Superintendent ng Philippine Military Academy (PMA) si Rear Admiral (RADM) Allan Ferdinand Cusi.

Si Cusi ang pumalit kay Lt. Gen. Ronnie Evangelista na nag-resign matapos ang kontrobersyang kinsangkutan kaugnay sa hazing na naging dahilan sa pagkamatay ni 4CL Darwin Dormitorio.

Isinagawa ang change of command ceremony sa Fort Gregorio De Pilar sa Baguio City na dinaluhan mismo ni Armed Forces of the Philippines Chief of Staff Lt. Gen. Noel Clement.

Si Cusi ay miyembro ng PMA Sinagtala Class of 1986.

Kung maaalala, nagbitiw sa puwesto si Evangelista kasama si B/Gen. Bob Bacarro na siyang Commandant of Cadets dahil sa insidente.

Si B/Gen. Romeo Brawner ang dating commander ng 103rd infantry Brigade na naka base sa Marawi.

Para kay Cusi, mahalaga ang character development para mahubog pa ang kaalaman ng mga kadete.

Nagpasalamat naman si Lt. Gen. Evangelista kay Defense Secretary Delfin Lorenzana at dating AFP Chief of staff Gen. Benjamin Madrigal sa pagtatalaga sa kanya sa puwesto.

Inisa-isa nito ang mga programa sa PMA na nakakatulong para sa mga kadete para mahubog bilang mga susunod na lider ng AFP.

Maging ang mga pagbabago sa pasilidad ng akademya ay nabanggit din ni Evangelista.

Sa speech naman ni bagong PMA Supt. Allan Cusi, sinabi nitong hindi nya nakakalimutan ang payo ng kanyang ina noong siya ay tactical officer pa ng PMA Cadet Corps taong 1994.