Pinangunahan ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez ngayong Sabado ang dry-run ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair dry-run sa Naval, Biliran kung saan pinagsama-sama sa iisang event ang may 50 programa at serbisyo na hatid ng 33 ahensya ng gobyerno.
Namigay din ng P80 milyong halaga ng tulong na hatid ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Ayon kay Speaker Romualdez ang dalawang araw na serbisyo fair sa Biliran ay tugon sa hamon ni Pangulong Marcos na pabilisin ang ibinibigay na serbisyo ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno.
Sa paglulunsad ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair nasa mahigit 900,000 indibwal ang nakatakdang mabigyan ng tulong ng gobyerno.
Sa Biliran ay nasa 26,000 ang nakinabang sa mga serbisyo at programa kasama na ang 20,000 na nabigyan ng ayuda sa ilalim ng AICS, TUPAD, at Scholarship program.
Ang mahigit 5,000 residente ay nabigyan naman ng non-cash assistance gaya ng health at medical services.
Ang mga makukuhang serbisyo sa Serbisyo Fair ay ang mga sumusunod:
- Financial assistance programs
- Medical and dental assistance (LAB for ALL)
- Kadiwa ng Pangulo
- SB Corp. services para sa MSMEs
- Pangkabuhayan sa Pagbangon at Ginhawa (PPG)
- Educational assistance
- Burial assistance
- Transportation assistance
- Enrollment sa TUPAD o GIP
- Legal counseling
- Farm inputs at makinarya
- Tulong Dunong Program
- TESDA scholarships at enrollmemt sa mga programa nito.
Maaari rin sa Serbisyo Fair ang mga sumusunod:
- LTO driver’s license renewal
- DFA passport application
- NBI clearance application
- Police clearance application
- LTOPF renewal/application
- PSA birth certificate application
- Pag-ibig membership at housing loan
- SSS membership application
- GSIS UMID application
- Postal ID application
- National ID application
- First Responders’ training/enrollment
- PhilHealth consultation
- Public service training
- PRC renewal
- PAO free legal services
- PhilHealth registration
“Sa Bagong Pilipinas Serbisyo Fair, nais namin na maging tulay upang mas mabilis ninyong makuha ang mga serbisyong kailangan ng inyong mga pamilya. Sa bawat tigil ng Serbisyo Fair sa iba’t-ibang parte ng bansa, handa kaming maghatid ng ayuda, impormasyon, at gabay sa lahat ng inyong pangangailangan – mula sa kalusugan, edukasyon, hanggang sa hanapbuhay,” ani Speaker Romualdez.
Kasama ni Speaker Romualdez sa paglulungsad ng pilot launch sina Tingog Party List Reps. Yedda Marie K. Romualdez atJude Acidre. Ginanap ito sa Biliran Province State University sa Naval.
Ayon kay Speaker Romualdez layunin ng tig-dalawang araw na caravan na maiparating sa publiko ang mga serbisyong hatid ng gobyerno.
Batay sa tentative schedule ang Serbisyo Fair ay pupunta rin sa Davao de Oro (Sept. 8-9), Leyte (Sept. 9-10), Ilocos Norte (Sept. 11-12), Laguna (Sept. 30 to Oct. 1), Camiguin (Oct. 14-15), Bohol (Oct. 28-29), Camarines Norte (Nov. 11-12), Bukidnon (Nov. 25-26), at Eastern Samar (Dec. 9-10).