Nakatakdang dumating sa bansa ang bagong Philipping Coast Guard vessel na BRP Melchora Aquino sa susunod na linggo.
Ayon kay PCG commandant Admiral Artemio Abu ang konstruksyon ng 97 meter multirole response vessel (MMRV) ay isang panibagong testament sa close ties sa pagitan ng Pilipinas at Japan.
Ang BRP Melchora Aquino ay ginawa ng Misubishi Shipbuilding Co. Ltd. Lumayag ang naturang vessel mula sa Shimonoseki Shipyard sa Yamaguchi, Japan para sa limang araw na paglalakbay at inaasahang makakarating sa Manila sa Hunyo 1.
Ayon kay Adm Abu, magsisilbi ang BRP Melchora Aquino bilang stalwart protector ng maritime reserve at instrumento para sa kapayapaan at tranquility sa loob ng ating territorial waters.
Aniya, ang BRP Terea Magbanua ay kasalukuyang kalahok sa Marine Pollution Exercise sa karagatan ng Indonesia, bukod sa Pilipinas at Indonesia kasama din sa naturang Maritime exercise ang Japan.
Nitong Biyernes May 27 sabay na tinunghayan ng mga opisyal ng Pilipinas at Japan para sa maiden voyage ng latest Japanese-built sea asset ng Philippine Coast Guard na ide-deploy para magpatrolya sa territorial waters ng ating bansa.