Ipinasilip ni dating Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang kanyang bagong opisina sa Vatican matapos italaga ni Pope Francis sa bagong pwesto.

TAGLE 5

Isinama kasi ni Tagle sa kanyang tanggapan si Rev. Fr. Reggie Malicdem, ang personal secretary at chancellor of the Roman Catholic Archbishop of Manila.

-- Advertisement --

Sa kanyang social media post, ibinahagi ni Malicdem ang mga kuhang larawan niya sa cardinal.

Kung maaalala una nang hinirang ng Santo Papa noong buwan ng Disyembre si Tagle bilang bagong prefect of the Congregation for the Evangelization of Peoples.

Naikwento naman ni Father Malicdem kung paano mainit na binigyan nang welcome si Tagle ng mga bago niyang makakasama o collaborators sa pagpapalaganap pa ng pananampalataya at missionaries sa maraming bahagi ng mundo.

TAGLE REGIE

Kabilang naman sa ipinakita sa larawan ang ilang mga pamosong parte ng Vatican na tiyak daw na palaging magpapaalala sa kardinal ukol sa Manila Cathedral at ang arkideyoses na kanyang unang pinagsilbihan.

Samantala sa pag-alis ni Tagle sa Pilipinaa, itinalaga naman ni Pope Francis si Bishop Broderick Pabillo bilang apostolic administrator ng Archdiocese of Manila