-- Advertisements --
DOH

Hindi pa nade-detect ng Department of Health (DOH) ang ‘priola’ o BA.2.86 sa Pilipinas.

Ang BA.2.86, ay ang bagong Omicron sub variant coronavirus disease (COVID-19).

Sa pinakahuling COVID-19 Biosurveillance Report ng DOH, iniulat nito na mula sa pinakahuling 476 samples na kanilang isinailalim sa pagsusuri mula August 8 hanggang Sept 4 ay wala namang nagpositibo.

Sa kasalukuyan, ang naturang sub variant ay ay classified bilang variant under monitoring (VUM)

Natukoy na ito sa maraming bansa na kinabibilangan ng Denmark, France, Israel, Portugal, South Africa, Sweden, the United Kingdom, and the United States.

Ayon sa mga eksperto, ang nasabing uri ng Omicron sub variant ay may mataas na ‘immune escape’ o nahihirapan ang immune system ng mga biktima na labanan ito.

Ayon sa DOH, sa kasalukuyan ay nananatili pa rin ang XBB subvariant bilang pinaka-dominant sa buong bansa kung saan sa 476 samples na unang nakolektang samples ay mayroong 429 dito na nagpositibo bilang XBB.