Pinangalanan na ni Department of Agriculture Secretary Francisco Tui Laurel Jr ang bagong officer in charge sa National Food Authority.
Itinalaga ng kalihim si si dating Assistant Administrator for Finance and Administration Piolito Santos matapos ang naging desisyon ng Office of the Ombudsman na suspendihin ang higit isang daan na opisyal ng ahensya.
Ang appointment sa kay Santos ay ginawa sa isang pagppululong ng NFA council kahapon.
Sa isang pahayag, kinumpirma mismo ni Santos na ang pagkaka appoint sa kanya ay naging epektibo mismo kahapon.
Kaugnay nito ay humiling rin ang bagong talagang opisyal na mabigyan ito ng kapangyarihan para mapablis ang operasyon ng NFA.
Batay sa ulat , aabot sa 139 na mga empleyado ng NFA ang sinuspinde ng anim na buwan sa kanilang serbisyo dahil sa umanoy isyu ng bigas scam.
Hinihintay na rin ng DA ang magiging resulta ng imbestigasyon ng Ombudsman sa naturang usapin at tiniyak na buo ang suporta nito.
Aabot naman sa 300,000 MT hanggang 400,000 metric tons ng palay ang target ng NFA para sa kanilang buffer stock ngayong taon.
Ito naman ay may kabuuang pondo na aabot sa P17 bilyon. (With reports from Bombo Victor Llantino)