-- Advertisements --
Posible sa katapusan ng taon ay magagamit na ng overseas Filipino workers ang ginagawang OFW lounge sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3.
Sinabi ni Manila International Airport Authority (MIAA) Senior Assistant Manager Bryan Co, na layon nila na magkaroon ng desenteng lugar para makapagpahinga ang mga OFW.
Napili nila aniya ang NAIA terminal 3 dahil sa halos 50 percent ng mga pasahero ay doon dumadaan.
Nasimulan na rin nila ang mga desenyo para sa planong itatayong luonge sa NAIA.