Mas malawak na operasyon laban sa iligal na droga ang target ng bagong NCRPO chief kasama na dito ang internal cleansing.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Eleazar sinabi nito kaniya pa lalo palalalakasin ang intelligence monitoring lalo na sa mga drug personalities na itinuturing na mga high value targets kabilang na dito ang mga sindikato ng mga pulis na sangkot sa iligal na aktibidad at iba pang sindikatong grupo.

Giit ni Eleazar na kung gaano ka sigasig ang PRO-4A, kaniya itong dodoblehin dito sa kalakhang Maynila.

Babala naman nito sa mga drug personalities na tumigil na sa kanilang iligal na aktibidad.

Sa mga pasaway na pulis o police scalawags may kalalagyan ang mga ito.