Nangako ang bagong talaga na Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager na si Eric Jose Castro Ines, na reresolbahin ang mga traffic jam sa mga kalsadang patungo at palabas ng Ninoy Aquino International Airport. (NAIA).
Sinabi ni Ines na inatasan na niya ang Airport Police Department na ayusin ang problema sa trapiko.
Aniya, ang isyu ay matagal nang problema para ng mga pasahero ng nasabing paliparan.
Bukod sa problema sa trapiko, sinabi ni Ines na titingnan din niya ang mga reklamo laban sa mga taxi driver na nag-ooperate sa NAIA.
Giit ng opisyal na maaaring ireklamo sa kanilang tanggapan ang maeecounter na naniningil ng labis o sobra sobra mula sa mga pasahero.
Aniya, maaaring patawan ng mabigat na parusa ang sinumang driver ng taxi na mapapatunayang overcharge kung maningil.