-- Advertisements --

Inihayag ng bagong talagang mamumuno sa LTO na tututukan nito ang kanyang tugkulin upang mas mapaunlad pa ang ahensya.

Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. si Vigor Mendoza bilang bagong pinuno ng Land Transportation Office (LTO), ayon sa Presidential Communications Office.

Si Mendoza, na itinalaga bilang assistant secretary, ay dating miyembro ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Pinalitan niya si dating LTO chief Jay Art Tugade, na nagbitiw noong Mayo dahil sa pagkakaiba umano sa transportation departament.

Sinabi ni Mendoza na ang turnover ceremony ay sa Lunes sa susunod na linggo ngunit ito ay nangako nang lubos na gagampanan niya ang kanyang bagong tungkulin.

Ang bagong LTO chief ay nagtapos sa Ateneo de Manila University, kung saan kumuha din siya ng abogasya.

Ipinakita rin sa website ng Ateneo na ang opisyal ay dating House lawmaker, na kumakatawan sa 1-UTAK (United Transport Alliance Koalisyon) party-list group.

Una na rito, ang kanyang mga transmittal paper ay hindi pa nailalabas sa publiko.