-- Advertisements --

Nagbabala ang Pagasa sa posibleng panibagong mga pagbaha dahil sa low pressure area (LPA) sa Mindanao area.

Ayon sa weather bureau, huling namataan ang sentro ng LPA sa layong 100 km timog kanluran ng Cotabato City.

Nakapaloob ito sa intertropical convergenze zone (ITCZ) na nakakaapekto sa Mindanao at Palawan.

Nagdadala rin ng ulan ang tail-end ng frontal system sa eastern section ng Southern Luzon.

Habang malamig na hangin at bahagyang ulan din naman ang mararanasan sa iba pang parte ng Luzon dahil sa hanging amihan.