-- Advertisements --
doh 1

Bumaba ng 6% ang bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19 na naitala sa bansa noong Mayo 22 hanggang 28, ayon sa Department of Health (DOH).

Sa kanilang weekly bulletin, iniulat ng DOH na 11,667 katao ang dinapuan ng virus noong nakaraang linggo, mahigit sa 700 na mas mababa ito kaysa sa mga kaso na naitala noong Mayo 15 hanggang 21.

Ang daily average cases ay 1,667 habang 105 sa mga bagong kaso ay malubha ang sakit.

Sa kasalukuyan ay may 554 na kritikal na pasyente ang na-admit sa mga ospital, na kumakatawan sa 10.1% ng kabuuang COVID-19 admission sa buong bansa.

Noong Mayo 28, ang nationwide tally ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa mula nang magsimula ang pandemya ay nasa mahigit 4.13 milyon na may 16,002 aktibong kaso. Humigit-kumulang 4.05 milyon ang nakarekober habang hindi bababa sa 66,400 ang namatay.

Batay sa bulletin ng DOH, ang bilang ng mga taong nabakunahan laban sa COVID-19 ay nananatili sa mahigit 78 milyon o 100.44% ng target na populasyon, habang 23 milyong indibidwal ang nakatanggap na ng kanilang mga booster shot.
Top