-- Advertisements --
image 123

Naitala ng Department of Health (DoH) ang pinakamababang kaso ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) mula noong Setyembre 13.

Ayon sa DoH, ang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa ay 1,600 kumpara sa dating 3,119 na naitala noong Lunes.

Bumaba rin ang active cases sa 27,257 mula sa dating 27,686.

Dahil sa mga bagong kaso ng COVID-19 sa bansa ay nasa 3,925,326 na ang total caseload.

Naitala pa rin sa National Capital Region ang pinakamataas na kaso ng covid sa loob ng dalawang linggo na 11,538.

Sinundan ito ng Calabarzon na mayroong 4,088, Central Luzon mayroong 2,383, Davao Region na may 1,274 at Western Visayas, 937.

Papalo naman sa 1,995 ang mga bagong recoveries kaya umakyat pa ang recovery tally sa 3,835,449.

Nasa 33 naman ang bagong namatay kaya umakyat na ang death toll sa 62,620.