Pinatikim na ni Katy Perry ang unang kanta nito mula sa bagong album nitong ilalabas na “Smile”.

Mula pa kasi noong nakaraang linggo ay nagsagawa na ito ng teaser sa nasabing paglabas ng kantang “Smile” mula sa ikaanim na album nito.

Kuwento pa nito na ginawa niya ang kanta noong ito ay may mabigat na pinagdaraanan.

Tiniyak naman nito sa kaniyang mga fans na magiging sulit ang mga kanta sa bago nitong album.