NAGA CITY- Nagpapasalamat ngayon ang lokal na gobyerno ng lungsod ng Naga matapos pormal ng i-turn over kan Department of Public Works and Highways (DPWH) ang LIGTAS CoViD Center.
Sa naging pahayag ni Naga City Mayor Nelson Legacion sinabi nitong malaking tulong umano ang 80 mga cubicles, dalawang nurses’ stations at dalawa ring testing areas na mismong pinagawa ng DPWH sa loob ng JMR Coliseum.
Nabatid na ang nasabing center magsisilbing isang Local Isolation asin General Treatment Area para sa mga pasyenteng pinaniniwalaang positibo sa Coronavirus disease 2019 (COViD-19).
Ayon kay Legacion magagamit rin umano ito ng mga Locally Stranded Individual (LSI) na uuwi sa lungsod.
Sa ngayon kasalukuyan pa umanong tinatapos ang isa pang malaking shower at rest room sa labas ng JMR Coliseum bilang dagdag na pasilidad na maaring gamitin ng mga pasyente.