CENTRAL MINDANAO-Pormal nang nanumpa ang mga bagong halal na opisyal ng League of Municipalities of the Philippines (LMP)-Cotabato Chapter.
Ang panunumpa ng mga bagong opisyal ay pinangunahan ni Carmen Mayor Rogelio Taliño at sinaksihan ni Department of the Interior and Local Government Director Ali B. Abdullah na isinagawa sa AJ High-Time Hotel, Kidapawan City.
Nahalal bilang presidente si Pres. Roxas Mayor Jonathan U. Mahimpit; VP for Operations si Midsayap Mayor Rolando C. Sacdalan; Secretary naman si Mayor Evangeline P. Guzman ng Kabacan; si Mayor Angel Rose L. Cuan naman ng Libungan ang inihalal bilang Treasurer; Auditor naman si Mayor Armando M. Quibod ng Makilala; PRO si Mayor Jay Laurence S. Gonzaga ng Magpet; at Board of Directors sina Carmen Mayor Rogelio T. Taliño , Pigcawayan Mayor Juanito C. Agustin, Pikit Mayor Sumulong K Sultan, M’lang Mayor Russell M. Abonado, Aleosan Mayor Eduardo C. Cabaya at Arakan Mayor Jeam D. Villasor.
Nagpaabot naman ng kanyang pagbati sa mga bagong halal na LMP officials si Governor Emmylou “Lala” Taliño Mendoza at positibo ito na magiging maayos ang pagpapatupad ng iba’t ibang programa ng provincial government dahil katuwang ng kanyang pamunuan sa pagsusulong ang LMP na binubuo ng mga punong ehekutibo mula sa iba’t ibang bayan ng probinsya.