Bumabalangkas na raw ng mas detalyadong panuntunan ang Department of Health (DOH) sa paggamit ng iba’t-ibang test kits sa COVID-19.
Tugon ito ng ahensya sa gitna ng mas lumakas pang panawagan ng medical community para ihinto ang paggamit sa rapid antibody test kits. Lalo na ng labor sector.
“The guideline will enumerate the purpose of each test and the conditions they may be used in,” ayon sa DOH.
Binigyang diin ng kagawaran na ang Reverse transcription polymerase chain reaction (RT-PCR) pa rin ang “gold standard” o pinaka-maasahang test para malaman kung infected ng COVID-19 ang indibidwal.
Maaari lang daw gamitin ang rapid test bilang baseline testing o para malaman makita ang estado ng “seroprevalence” sa katawan ng tao kada-14 na araw.
“Rapid antibody tests cannot be used as a test to rule out COVID-19 as stipulated in the DM 2020-0258. Kailangan pa rin gumamit ng RT-PCR result upang makumpirma ang resulta nito.”
Sinabi rin ng DOH na mismong Health Technology Assessment Council na ang tumutuol sa paggamit ng rapid test bilang standalone test.
Sa ilalim nang umiiral na guidelines, kailangan magpa-konsulta sa lisensyadong doktor ang sino mang gagamit ng rapid test. Kailangan rin na parehong eksperto ang magsasagawa at magi-interpret ng resulta.
“We remind the public to always follow health protocols against COVID-19 regardless of the test result or the test that you took, even for RT-PCR. Remember that you can still be exposed within the time you took the test and the result was released.”
Nakasaad naman sa hiwalay na Interim Guidelines noong May 11, nakasaad na hindi dapat maging requirement ng mga manggagawang balik-trabaho ang rapid test, maliban sa clinical screening.