-- Advertisements --

MANILA – Pinayuhan ng Department of Health (DOH) ang may-ari ng mga establisyemento at gusali na tiyakin may sapat na ventilation ang maliliit na espasyo ng kanilang mga lugar bilang hakbang laban sa posibilidad ng COVID-19 infection.

Magugunitang binawi ng Centers for Disease Control and Prevention ng Amerika (US CDC) ang nauna nilang pahayag tungkol sa airborne transmission at sinabing posible itong mangyari.

Kaya naman sa ilalim ng Department Memorandum No. 2020-0429, inatasan ng ahensya ang “administrators, employers, owners of public buildings as well as homeowners” na magptupad na ng bagong control measure sa kanilang nasasakupan.

“This issuance was created mainly to address possible administrative and engineering controls that can be utilized in enclosed, indoor spaces to improve ventilation and lessen tranmission of pathogens.”

Ipinagbabawal ng Health department ang ano mang uri ng aktibidad sa masisikip at maliliit na lugar, pero kung hindi raw maiiwasan ay dapat masigurong naka-bukas ang mga pintuan at bintana.

Pinaiiwas din ng ahensya ang mga indibdiwal na dumistansya o lumayo sa tapat ng electric fan at air-conditioners dahil posibleng mapabilis nito ang paglalakbay ng virus kung totoo ang airborne nature nito.

Hindi rin daw muna pwedeng gamitin ang mga device na naglalabas ng recirculated air o hangin na umiikot lang sa isang lugar, tulad sa loob ng mga sasakyan.

“In non-hospital settings where ventilation is greatly recirculated or access to outside air is not feasible, filters such as highly-efficiency particulate air (HEPA) filtration air purifiers can be used to clean recirculated air provided that the unit is adequate for the size of the room in whichi it is installed in.”

Pagdating sa mga palikuran, dapat umanong nakabukas palagi ang exhaust fans. Ang inidor naman ay dapat na nakasarado kapag fina-flush para hindi humalo sa hangin ang talamsik ng tubig.

Inirerekomenda ng DOH ang natural ventilation hangga’t maaari.

“Avoid using the recirculated air option for the car’s ventilation during passenger transport. Utilized car’s vents to bring in fresh air outside air and/or lower the vehicle windows.”