-- Advertisements --

Hinamon ng Alliance of Health Workers (AHW) ang bagong talagang kalihim ng Department of Health (DOH) na si Dr. Jose Brittanio Pujalte Jr. na isulong ang pagpapabuti ng mga kondisyon ng healthcare workers at itaguyod ang mga polisiyang magpra-prayoridad sa kalusugan ng publiko.

Umaasa ang grupo na manatiling consistent ang kalihim sa kaniyang posisyon na tumututol sa privatization ng pampublikong ospital kabilang ang panukalang privatization ng Philippine Orthopedic Center (POC), sa pamamagitan ng pagpapalakas pa ng public healthcare system at pagtiyak na mananatiling accessible ang mga ospital sa lahat ng mga Pilipino.

Samantala, nakahanda naman ang Public health advocacy group na Healthjustice Philippines na makatrabaho at suportahan si Pujalte sa pagtataguyod pa ng public health priorities kabilang ang mas mahigpit na regulasyon sa sigarilyo at vapes gayundin ang mga polisiyang pumipigil sa noncommunicable diseases.

Kapwa malugod namang tinanggap ng mga grupo ng health workers ang kalihim, na nakatakdang manumpa ngayong Martes, Hulyo 14 sa Malacañang Palace.