Inilabas na ng Food and Drug Administration sa Estados Unidos ang kauna-unahang emergency use authorization para sa COVID-19 antigen test.
Isa itong bagong uri ng diagnostic test na kayang maglabas ng mabilis na resulta sa murang halaga.
Ang antigen tests ang susuri sa mga nakalap na swab mula sa ilong at lalamunan ng isang indibidwal upang maghanap ng proteins na makikita sa coronavirus.
Gayunman ay nagbabala ang FDA na mataas pa rin ang tsansa na maglabas ng negatibong resulta ang antigen test sa kabila ng pagiging accurate nito.
Iba rin ang bagong test na ito mula sa dalawang FDA-authorized tests.
Ang polymerase chain reaction (PCR) test ay uri ng diagnostic test na nagde-detect sa genetic material ng virus para malaman kung ang pasyente ay mayroong active infection.
Habang ang serological test naman ay kayang ma-detect ang antibodies sa isang indibidwal na mayroon nang virus.