-- Advertisements --
image 488

Opisyal nang inilunsad kanina ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang binuo nitong development plan para sa pagpapabuti sa kakayahan ng mga manggagawang Pilipino.

Ang naturang plano ay sa ilalim ng National Technical Education and Skills Development Plan (NTESDP).

Sa ilalim ng nasabing plano, inaasahang mapapalakas pa ang skillset ng mga manggagawang Pilipino sa ibat ibang sektor, bilang tulong sa pagpapa-angat sa ekonomiya ng bansa.

Ito ay bilang suporta na rin sa Philippine Development Plan (PDP) 2023-2028 kung saan nakapaloob dito ang roadmap na dapat sundin ng naturang tanggapan sa susunod na limang taon.

Kabilang sa magsisilbing pokus ng naturang plano ay ang digitalisasyon sa ibat ibang usapin, katulad ng training, education, hands-on activities, at iba pa.

Sa ilalim din ng bagong development plan, target ng TESDA na matugunan ang job mismatch na pangunahing puna sa mga nagsisipagtapos, kung saan hindi umano akma ang skills ng mga ito sa kung ano ang pangangailangan ng mga industriya.