Ipatutupad ng Inter-Agency Council Against Trafficking na iang mga revised departure protocols para sa mga Pilipinong bumibiyahe sa ibang bansa simula Setyembre 3.
Ito ay sa layuning labanan ang talamak na human trafficking sa ating bansa.
Inaprubahan ng nasabing konseho, na binubuo ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno at non-government sectoral representative, ang binagong mga alituntunin sa mga pormalidad ng pag-alis para sa mga Pilipinong naglalakbay sa ibang bansa at inilathala ang mga protocol ngayong buwan.
Ang hakbang ay matapos ang mga reklamo mula sa mga biyahero na nag-ulat na nawawala ang kanilang mga flight o na-offload dahil sa interview ng mga opisyal ng Bureau of Immigration.
Dagdag dito, ayon sa mga awtoridad na ang profile ng mga biktima ng human trafficking ay lalong nailalarawan sa pamamagitan ng mga indibidwal na nagkukunwari ng mga turista.
Inilista sa revised protoco; ang sumusunod bilang mga pangunahing dokumento sa paglalakbay:
– Passport na may bisa hanggang anim na buwan mula sa date ng departure
– Boarding pass
-Appropriate visa
-Confirmed return o roundtrip ticket
Bilang karagdagan sa mga karaniwang kinakailangan sa paglalakbay, maaaring hilingin ng opisyal ng imigrasyon ang mga self- funding traveler na magpakita ng karagdagang mga dokumentong sumusuporta tulad ng proof of accommodation, financial capacity o source of income, at ang kanilang proof of employment.