-- Advertisements --

May posibilidad na makapasok sa Pilipinas ang bagong COVID-19 XBB omicron subvariant ayon sa isang infectious expert.

Ginawa ni Dr. Rontgene Solante, head ng Adult Infectious Diseases and Tropical Medicine unit sa San Lazaro Hospital ang naturang babala ngayong nagbukas na aniya ang borders ang bansa at dahil may mga flights na nagmumula sa bansa patungong Singapore kada araw.

Sa Singapore kasi, nakakaranas ngayon ng surge o pagtaas ng mga kaso dala ng XBB subvariant. Ito ay recombinant o pinagsamang BJ.1 na sublineage ng BA.2.10.1 at BM.1.1.1 na sublineage ng BA.2.75.

Paliwanag ni Dr. Solante, pinaniniwalaang ang XBB subvariant ay isang highly immune evasive na maaaring makapagbigay ng antibodies laban sa covid-19.

Ipinunto din ni Dr. Solante na hindi naman napupuno ang healthcare facilities sa Singapore dahil sa subvariant. Ibig sabihin, ang mga dinapuan ng naturang omiron subvariant ay hindi naoospital.

Una na ngang nilinaw ng Department of Health (DOH) na walang nadetect sa ngayon na kaso ng XBB subvariant sa ating bansa.