Pinangalanan na ng Securities and Exchange Commission ang kanilang bagong talagang commissioner.
Ayon sa ahensya, ito ay si Hubert Dominic Guevara.
Inako ni Guevara ang posisyon kasunod ng pagreretiro ni Kelvin Lester Lee sa Securities and Exchange Commission.
Ang appointment ni Guevara ay nagbabalik sa kanya sa ahensya mahigit isang dekada matapos magsilbi bilang direktor ng dating Compliance and Enforcement Department na ngayon ay ang Enforcement and Investor Protection Department.
Bago ang kanyang appointment bilang komisyoner, si Guevara ay nagsilbi bilang senior deputy executive secretary sa ilalim ng Office of the President.
Dati rin siyang nagsilbi bilang managing partner ng Joaquin Guevara Adarlo & Caoile Law Offices, at nagturo sa mga pribadong institusyon sa pag-aaral.
Nakuha ni Guevara ang kanyang law degree mula sa Ateneo de Manila University, kung saan kinuha din niya ang kanyang bachelor’s degree sa legal management.