May 19, 2024 sa Barangay Capataan, San Carlos City Pangasinan. – Muli na naman naglingkod sa sangkatauhan sa pamamagitan ng pinalakas na kapatirang ang mga miyembro at aplikante ng Bagong Bayani Hong Kong Executive Eagles Club ng NCR CXVI na nakabase sa Hong Kong.
Kanina ay naglingkod sila sa Barangay Capataan, San Carlos City Pangasinan sa pamamagitan ng medical mission at feeding program.
agbigay sila ng free medical cosultation, libreng gamot, libreng gatas at feeding program sa abot kumulang na 150 na katao, bata at matanda.
Ito ay ginawa ng Bagong Bayani Eagles Club upang ilapit sa mga tao na walang kakayang magpa check up libre at walang kakayahang mababili ng gamot dahil ibat ibang kadahilanan na gaya ma lamang ng kahirapan.
Ang community service ay isang pagdadaanan ng mga aplikante ng Philippine Eagles para ipakita sa mga full pledge eagle member na sila ay handang maglingkod sa kapwa tao bilang bagong membro ng Agila at ginagawa ito ng tatlong beses bago sumapit ang kanilang Induction Ceremony.
Bagamat nasa Hong Kong ang mga ito at wala sa Pilipinas ay kaya nilang tumulong sa pamamagitan ng kanilang membro na naka base sa isang lugar sa Pilipinas para isagawa ang community service sa kapwa tao.
Malaking pasasalamat naman ng mga membro ng Bagong Bayani Eagles Club sa Hong Kong sa mga BHW’s at BNS sa Barangay Capataan na walang pagod na tumulong sa nasabing medical mission upang alalayan ang mga taga City Health Officers upang maisagawa ang nasasabing medical mission.
Sila ay sinamahan ng mga Doctors at Nurses mula sa CIty Health Office ng San Carlos City Pangasinan na pinamumunoan ni DRA SUSAN BENITEZ na City Health Officer. Kasama sa nasabing medical mission ay si Samson Rivo na Eagle member at Regional Governor ng NCR CXVI at Marlon De Guzman na Club President ng Bagong Bayani Hong Kong Eagles Club sa Hong Kong.
Ang Bagong Bayani Eagles Club sa Hong Kong ay ay kauna unahang Eagles Club sa Hong Kong na naka rehistro sa Gobyerno ng Hong Kong at sa kasalukuyan ay siya pa lamang ang nakarehistro sa Hong Kong Police Society na may certificate of registration.