-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Nanguna si 6th Infantry (Kampilan) Division Chief at Joint Task Force Central Commander Major General Alex Rillera ang joint activation and opening ceremony ng bagong tatag na 105th Infantry Battalion Philippine Army sa Camp Paulino Santos Barangay Dado Alamada, Cotabato.

Mamumuno sa 105th Infantry (Sanghaya) Battalion ay si Lieutenant Colonel Dante Gania.

Si Gania ay kilalang makisig,matalinong opisyal,mabait at matulungin sa kanyang kapwa.

Ang tropa ng 105th IB ay ipapalit sa tropa sa Area of responsibility (AOR) ng 34th Infantry Battalion Philippine Army.

Una na sanang itatalaga ang 105th IB sa Sulu ngunit mananatili na lamang ito sa bahagi ng Central Mindanao.

Sinabi Lt/Col Gania na bagong tatag na Army Battalion ay magpapalakas ng pwersa ng militar sa BARMM at Rehiyon-12 kung saan tututukan nito ang kapayapaan sa kanilang area of responsibility.

Umaasa naman si MGen Rillera na susuportahan ng mga lokal opisyal at ng mamamayan ang bagong tatag na Army Battalion.