-- Advertisements --
covid Omicron XE

Nakapagtala ang Pilipinas ng kabuuang bilang na 855 bagong kaso ng COVID-19 habang bumaba ang aktibong bilang sa 14,742, ayon sa Department of Health.

Ito ang unang pagkakataon na bumaba sa 1,000 ang bilang ng mga bagong kaso simula noong Mayo 3 na may 867 na bagong impeksyon na naiulat.

Ang nationwide COVID-19 tally ng bansa ay kasalukuyang nasa 4,141,535, habang ang active tally ay bumaba sa 14,742 mula sa 15,621 noong Lunes na lung saa ito ang pinakamababang aktibong tally sa loob ng 19 na araw.

Kabilang sa mga rehiyon na may pinakamataas na bilang ng mga kaso sa nakalipas na dalawang linggo ay ang National Capital Region na may 7,800.

Sinundan ng Calabarzon na may 5,026; Central Luzon na may 2,342; Kanlurang Visayas na may 1,620; at Rehiyon ng Bicol na may 861 na bilang.

Liban nito, hindi naman bababa sa bilang na 1,734 na bagong recoveries ang naitala ng ating bansa na nagdala ng nationwide recovery tally sa 4,060,327, habang ang death toll ay nananatiling nasa 66,466.