Iniulat ng Department of Health (DOH) na nakapagtala ang Pilipinas ng 2,014 na bagong kaso ng COVID-19, kaya umabot na sa 16,504 ang aktibong bilang sa bansa.
Ito ang pinakamataas sa loob ng apat na araw at ika-15 sunod na araw sa mahigit 1,000 bagong kaso na naiulat araw-araw.
Ang mga bagong kaso ay nagtulak din sa nationwide caseload sa 4,121,530, batay sa pinakahuling datos ng DOH.
Ang mga aktibong kaso naman ay tumaas sa 16,504 mula sa 15,514.
Samantala, hindi bababa sa 1,024 na mga bagong pasyente ang naka-recover na sa viral disease na nagdala sa nationwide recovery tally sa 4,038,573, habang ang bilang ng mga nasawi ay nananatiling nasa 66,453.
Naitala ng National Capital Region (NCR) ang pinakamataas na bilang ng mga kaso na may 9,848 sa nakalipas na dalawang linggo, sinundan ng Calabarzon na may 5,467, Central Luzon na may 1,834, Western Visayas na may 1,289, at Bicol Region na may 839.