-- Advertisements --

May kabuuang 156 na bagong kaso ng Covid-19 ang natukoy sa buong bansa, ayon sa pinakahuling datos ng Department of Health (DOH).
Batay sa pinakabagong tracker ng Department of Health, mayroong 9,117 na bilang ang COVID19- active tally ng Pilipinas.
Sa nakalipas naman na 14 na araw, ang Metro Manila pa rin ang may pinakamataas na bilang ng mga bagong kaso na may 463.
Sinundan ito ng Davao na may 253, Calabarzon na may 200, Soccsksargen na may 163, at Northern Mindanao na may 110.
Nasa 4,077,904 na ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso na kung saan kabilang ang 4,002,577 naka-recover mula sa nakamamatay na sa sakit.
Sa kasalukuyan, 66,210 na ang bilang ng nasawi sa Pilipinas dahil sa COVID19.









