Mas pinaigting pa ang commitment at determinasyon ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) na matugunan ang gap o backlogs sa programang pabahay sa bansa alinsunod sa direktiba ng Pangulo na matulungan ang mga ordinaryong Pilipino na magkaroon ng desente at abot-kayang bahay.
Ginawa ni Human Settlements and Urban Development Secretaru Jose Rizalino Acuzar ang naturang pahayag kasunod ng iniwang pinsala ng bagyong Paeng na kumitil ng marming buhay ng ating kababayan at nag-iwan ng pinsala sa mga imprastriktura kabilang na ang mga kabahayan sa iba’t ibang parte ng bansa.
Sa ilalim ng Pambansang Pabahay para sa Pilipino Program, ang DHSUD ay naatasan na magtayo ng isang milyong housing units kada taon sa loob ng anim na taon sa ilalim ng Marcos administration.
Nasimulan na ang naturang proyekto sa pitong mga lugar sa Luzon kabilang ang Marikina City at Quezon City sa National Capital Region gayundin sa Visayas at Mindanao.