-- Advertisements --
asf nokor

Natagpuan ang patay na baboy na may African swine fever sa demilitarised zone (DMZ) na nagsisilbing hati sa pagitan ng North at South Korea.

Unang nabatid na nakapasok ang nasabing virus sa South Korea noong nakaraang buwan at kumalat din ang mga espekulasyon na dala ito ng mga baboy na idinaan sa DMZ.

Naitala noong Mayo sa North Korea ang ASF at ginawa naman ng South ang lahat ng kanilang makakay upang maiwasan ito.

Ang DMZ ay may lawak na 4km o 2.5 miles at puno rin ito ng landmines.

Halos 10,000 baboy na ang namatay at kinatay sa SoKor simula nang mapag-alaman na nakapasok na sa kanilang bansa ang ASF.

Aabot naman sa anim na milyong baboy na ang kinatay sa buong Asya.