Muntik nang mapatay umano ang vice-president ng bansang Argentina sa tangkang asasinasyon matapos na tutukan siya ng gunman sa kanyang mukha.
Una rito habang binabati ni Vice President Cristina Fernandez de Kirchner ang kanyang mga supporters sa labas ng kanyang bahay, bigla na lamang may isang lalaki na sumulpot at itinutok ang baril sa kanyang mukha.
Kinumpirma ni President Alberto Fernandez ng Argentina ang baril daw ay loaded ng limang mga bala, pero swerteng hindi pumutok nang kalabitin ng suspek ang gatilyo.
Mariin namang kinondena ng presidente ang pagtatangka sa buhay ng kanilang pangulong na maituturing na banta sa demokrasyon.
Sinasabing ang 35-anyos na gunman na isang Brazilian ay nakakulong na at inaalam pa ang motibo nito.
Ang tangkang pagpatay kay De Kirchner ay habang nasa kalagitnaan din ng kinakaharap niyang corruption trial na kanyang namang itinatanggi.