Nagpositibo sa iligal na droga ang babaeng motorista na nanakit ng isang traffic enforcer sa Manila, ayon sa Manila Police District Special Mayor’s Reaction Team (MPD-SMaRT).
Sa isang panayam, sinabi ni PD-SMaRT chief Police Colonel Rosalino Ibay na ang suspected drug courier na si Pauline Altamirano at mga kasamahan nito na sina Rendor Sanchez, Jason Dela Cruz, at Marlon de Guzman ay nagpositibo sa iligal na droga.
Ayon sa isa sa mga suspects, gumamit pa sila ng iligal na droga bago pa man sila maaresto.
Subalit ayon kay Altamirano, hindi totoo na inilalako niya ang iligal na droga na natagpuan sa kanyang bag.
Nakuha lamang aniya niya ito sa isa sa kanyang manliligaw na Chinese national.
Dagdag pa nito, ipapalit daw niya sana ang naturang droga sa “kush”.
Samantala, sinabi naman ni IBay na tinitingnan na rin nila ang anggulo sa paggamit ng mga nirerentahang sasakyan para sa mga drug transactions.
Sa ngayon, nahaharap si Altamirano sa kasong direct assault, disobedience to authority, at driving without license.