Umano’y long time partner pala ni Cesar Montano ang babaeng nakahubad na nahagip sa gitna ng birthday video greeting ng aktor, dalawang taon na ang nakakaraan.

Cesar Montano
Cesar Montano/ IG post

Ito ang panibagong usap-usapan simula nitong weekend matapos tila kumpirmahin na ng 58-year-old actor sa pamamagitan ng panibagong birthday greeting para naman sa kaibigan nitong kolumnista na si Dolly Anne Carvajal.

Sa video na ipinost ng birthday celebrant, makikitang tinawag ni Buboy ang isang babae na nakasuot ng kulay puting T-shirt at maluwag na pantalon sabay biro na “bakit may damit na ito?”

Game naman ang babae na sinasabing nagngangalang Maria Socorro, sa pagsagot na “wholesome” raw sila ngayon.

https://www.facebook.com/dolly.a.carvajal/videos/10158463067022334

Taong 2018 nang tuluyang mapawalang bisa ang kasal ni Cesar sa dating sexy star na si Sunshine Cruz, sa kabila ng pagkakaroon ng tatlong anak.

Sa lumang video sa kaparehong taon na naging tampulan ng katatawanan, ipinapaabot ni Montano ang birthday greeting para kay Kagawad Crisanto Morales ng Sta. Ana, Manila.

Gayunman, naging agaw-pansin sa background ang isang babae na tila may kinuha lamang saglit habang pinaniniwalaang nakahubad.