-- Advertisements --

LAOAG CITY – Patay ang isang babae matapos ang nangyaring aksidente sa Batac-Banna Road sa Brgy. Naguirangan sa lungsod ng Batac.

Base sa imbetigasyon ng PNP-Batac, nakasakay umano sa kanyang bisikleta ang 41-anyos na biktima na residente sa naturang lugar nang mangyari ang insidente.

Sa imbestigasyon ng PNP, patungong kanluran ang biktima at sumusunod sa kanya ang isang Toyota Wigo na minaneho ng 33-anyos na residente iti Brgy. Bil-loca sa lungsod.

Lumalabas na nakatulog ang driver ng kotse kayat dumiretso ito at nabangga ang babae.

Dahil dito, tumama ang babae sa harapan ng kotse at nagtamo ng sugat sa iba’t-ibang bahagi ng kanyang katawan, at agad namang dinala sa ospital ngunit namatay ito habang ginagamot.