-- Advertisements --
Nagtala ng record ang isang 32-anyos na babae matapos na ikutin ang magkabilaang dulo ng Australia.
Natapos ni Erchana Murray-Bartlett ang 6,300 kilometers sa pagtakbo sa loob ng 150 araw.
Nakuha niya ang record ng may most consecutive daily marathon by a woman.
Bukod sa pagtakbo ay nakalikom ito ng $100,000 na kaniyang ibibigay sa Wilderness Society.
Isang professional runner si Murray-Bartlett subalit dahil sa hindi nakasali noong Tokyo Olympics ay inilaan niya ang kakaibang paraan para makatulong.










