TACLOBAN CITY – Naliligo na sa kanilang sariling dugo ng madatnan ng mga otoridad ang mag-asawa sa Brgy. Sangputan, Babatngon, Leyte.
Batay sa report mula sa Police Regional Office 8, na pinagtataga-patay ni Rolando Agner, 38 taong gulang ang kaniyang misis na si Elena Corona, 40 taong gulang sa loob ng kanilang bahay
Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon ng mga kapulisan na banda alas 12 ng gabi noong Abril 14 nang biglang lumabas si Agner ng kanilang bahay para kunin ang kaniyang itak
Pagbalik nito ay doon na pinagtataga ang kaniyang asawa.
Nang makitang patay na ang kaniyang misis ay kinitil din nito ang kaniyang sariling buhay sa pamamagitan ng pagtataga sa sarili.
Nakuha din nitong tanggalin ang kaniyang laman loob.
Napag-alaman na dalawang linggo na di umanong hindi nakakatulog ang suspek at nakakaramdam na din ito ng halusinasyon.
Nadala pa ang mga ito sa hospital pero dineklara namang dead on arrival.