DAVAO CITY – Patay ang isang babae matapos saksakin ng kanyang bayaw dahil sa tsismis na ito raw ay nanglalaki.
Kinilala ang suspect na si Irene Pepe Oral, residente ng Sitio Kinawayan, Brgy Baganihan, Marilog District lungsod ng Dabaw, samantala ang biktima namang si Delia Lintobad Mamayas.
Pero nilinaw ng suspect na self defense lamang ang kanyang ginawa dahil una umano siyang inatake ng biktima.
Batay sa salaysay si Oral, kanyang iniwasan at nagtago siya sa bahay ng kanyang kapatid nang una siyang atakihin ng biktima habang siya ay papauwi sa kanilang bahay.
Nagulat na lamang siya na siya ay hahampasin sana raw ni Mamayos ng bato at kahoy.
Dahil dito napilitan raw si Oral na saksakin ang kanyang bayaw nang tatlong beses, na nagresulta sa kamatayan nito.
Matapos ang pangyayari kaagad namang sumuko ang suspect sa mga otoridad.