-- Advertisements --
LEGAZPI CITY – Ligtas na naisiling ng isang babae ang kanyang ipinagbubuntis na sanggol sa loob ng mall sa Legazpi City, Albay.
Batay sa ulat, mamimili lang sana si Maryjane Mendevilla, 27, sa 4th floor ng gusali nang maramdaman nitong pumutok ang kanyang panubigan.
Hindi na nagawang madala sa ospital si Mendevilla na agad tinulungan ng ilang mamimili at staff ng establisyemento.
Sa tulong ng mall nurse na si Cherrie Joie Escobar, naisilang ni Maryjane ang kanyang baby boy na pinangalanan niyang “Liberty.”
Dinala sa ospital ang ina matapos ang panganganak nito para sa pagsusuri sa isinilang na sanggol.