Nakakuha agad na panalo ang Philippine Azkals U23 sa pagsisimula ng kanilang kampanya sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam.
Tinalo kasi ng football team ng bansa ang Timor Leste 4-0 sa laro nitong Biyernes Mayo 6.
Unang nakakuha ng goal si Christian Rontin sa loob ng 11th minuto.
Pagpasok ng 56th minuto ay pinalawig pa ni Dennis Chung ang kalamangan ng bansa 2-0.
Matapos ang 20 minuto ay matagumpay din na naipasok ni Jovin Bedic ang kaniyang goal at sa 81st minuto ng laro ay dinomina ni Oskari Kekkonen ang goal sa tulong na pasa ni Oliver Bias.
Umaasa ang Azkals na makapsok sila sa semifinals kahit na kasama sila sa Group A ang defending champion na Vietnam, Indonesia at Myanmar.
Susunod na makakaharap ng Azkals U23 ang Vietnam sa Mayo 8.