-- Advertisements --

Sasamantalahin ng Philippine men’s football team na Azkals ang home court advantage sa paghaharap nila mamayang gabi kontra Brunei sa 2022 AFF Mitsubishi Electric Cup.

Kapwa bigo kasi ang dalawang koponan sa mga unang laban nila sa pagbubukas ng torneo.

Tinalo kasi ng Cambodia ang Azkals 3-2 habang ang Brunei naman ay tinambakan ng Thailand 0-6.

Target ng Azkals na makuha ang unang puwesto sa Group A kung saan ka-grupo nila ang Thailand at Indonesia.

Sinabi ng bagong Azkals coach na si Josep Ferre na mahalaga ang suporta na makukuha nila sa mga local fans.

Karamihan sa mga manlalarong kinuha nito ay walang karanasahan sa paglalaro sa mga international games at iilan lamang ang beteranong manlalaro kabilang si Stephan Schrock.