Sasabak agad sa isang friendly game ang bagong talagang coach ng Philippine Azkals na si Barae Jrondi.
Ito ay dahil nasa Kuwait na ang mens national football para sa kanilang friendly match sa Kuwait national team sa araw ng Biyernes.
Sinabi ni Jrondi na isang malaking hamon para sa kaniya ang nasabing laro dahil ito ang unang pagkakataon na siya ang mangunguna sa Azkals.
Pagtitiyak nito na kaniyang napag-aralan na ang bawat galaw ng kaniyang mga manlalaro.
Makakasama ng Azkals ang beteranong team captain at goal keeper na si Neil Etheridge.
Bago itinalagang coach si Jrondi ay nagsilbi itong technical supervisor ng football clubs sa Qatar Football Associations ng tatlong taon.
Sa loob ng tatlong taon ay makailang beses na nagpalit ng coach ang Azkals mula kay Scott Cooper, Stewart Hall, Thomas Dooley at Josep Ferre.