-- Advertisements --
Nahaharap sa malaking hamon ngayon ang men’s national football team ng bansa na Azkals sa 2023 Southeast Asian Games.
Kasama nila kasi sa grouping ang powerhouse na Indonesia.
Ilang mga bansa rin na kasama nila sa Group A ay ang host country na Cambodia, Timor Leste at Myanmar.
Itinuturing na pabor pa ito sa Azkals dahil sa hindi nila kasama sa grouping ang 2021 SEA Games champion na Vietnam at runner-up na Thailand na kapwa nasa Group B.
Nasa Group B naman ang Malaysia, Singapore at Laos.