Inanunsiyo ni Philippine Azkals midfielder Stephan Schrock ang kaniyang napipintong pagreretiro.
Isasagawa aniya nito ang pagreretiro pagkatapos ang laro ng Azkals laban sa Indonesia sa Group A ng 2022 AFF Mitsubishi Electric Cup ngayong Enero 2 sa Rizal Memorial Football Stadium.
Dagdag pa ng 36-anyos na Filipino-German player na 99% na siyang tiyak na ito ay magreretiro pagkatapos ng laro.
Naging bahagi si Schrock ng Azkals noong 2011.
Ibinahagi rin nito ang ilang sakripisyong ginawa niya kung saan maraming panahon ang hindi niya nakasama ang pamilya.
Ilang milyong euros contracts din ang napabayaan dahil sa paglalaro sa Philippine national team.
Iisa pa lamang panalo ng Azkals sa Group A na ito ay laban sa Brunei 5-1 at natalo sila sa laban ng Cambodia at Thailand.