-- Advertisements --
May mga magandang planong nakalaan ngayong taon ang Philippine football team.
Sinab ni Philippine Football Federation (PFF) president John Gutierrez, na isa sa mga pinaghahandaan nila ngayon ay ang 2026 FIFA World Cup qualifiers sa Marso.
Kahit na bumaba na sa puwesto si Azkals team manager Dan Palami ay hindi pa rin aniya nagbabago ang kanilang adhikain na magwagi sa lahat ng mga torneo na kanilang lalahukan.
Minaliit din nito ang batikos na ang karamihang kinukuha ng national football team ay yung mga nasa ibang bansa at hindi nabibigyan ng tsansa ang mga local players.
Giit nito na kahit saan mang galing ang isang manlalaro ay hindi nagbabago ang kanilang target na manguna sa mga torneo.